Dapat laliman pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kay Senador Leila de Lima.
Ayon kay dating NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda, 2012 pa lamang ay may mga impormasyon na sila sa pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinimulan rin anya nilang i-validate ang mga impormasyon subalit inabutan na sila ng pagsibak sa kanila ni De Lima.
Iginiit ni Esmeralda na sa panahon ni De Lima lumaganap ng husto ang illegal drug trade sa NBP.
Sa isinampang kaso ni Esmeralda at dating NBI Deputy Director Raul Lasala, tinawag nilang mother of all drug lords si De Lima.
Bahagi ng pahayag ni dating NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda
Kasabay nito,ibinunyag ni Esmeralda na nagmistula ring NBI Director si De Lima nung panahong kalihim pa siya ng DOJ.
Ayon kay Esmeralda, maging ang pagbibigay ng assignments sa mga NBI agents ay kinukuha ni De Lima.
Bahagi ng pahayag ni dating NBI Director Reynaldo Esmeralda
By Len Aguirre | Ratsada Balita