Tuloy ang imbestigasyon laban sa French Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur sa kabila ng kanilang ginawang pag-refund ng mahigit Isang Bilyong Pisong halaga ng mga unused stock ng kontrobersyal na Dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Department of Health Sec. Francisco Duque III, sisilipin parin ng kanilang ahensya kung may mga ikinubling impormasyon ang Sanofi sa dating administrasyon na nagresulta sa pagbibigay ng go-signal sa immunization program noong 2012.
Matatandaang, napilitan ang Sanofi na irefund ang ibinayad ng pamahalaan sa mga unused stock ng Dengvaxia Vaccine, matapos itong hilingin ni Sec. Duque.
Bunsod nito, mayroon pa umanong mga stock ng Dengvaxia sa ilang lalawaigan sa bansa, partikular na sa Cebu, ang hindi parin nakukuha o na-reretrieve ng French Pharmaceutical Company.