Mahigipit na binabantayan ng mga tauhan ng Mega Task Force ang imbestigasyon laban sa nangyayaring korapsiyon sa bansa.
Ito ay sa kabila ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuwagin ng kaniyang administrasyon ang Graft And Corruption mula nang siya ay maihalal bilang lider ng bansa taong 2016.
Pangungunahan ni Justice Sercretary Menardo Guevarra ang nasabing special investigating kasama ng mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President at mga tauhan ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Matatandaan na una nang ginisa sa senado ang mga tauhan ng Philippine Health Insurance Corporation, Department of Public Works and Highways, Department of National Defense, Department of Health, Department of Transportation, Bureau of Immigration, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at iba pang ahensya ng Gobyerno.
Samantala, nangako naman ang administrasyong Duterte na kanilang ipagpapatuloy ang pagpuksa sa mga katiwalian at korapsiyon na nangyayari sa bansa hangggang sa katapusan ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero