Bukas ang Malakanyang sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng UN o United Nations kaugnay sa mga insidente ng pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal droga sa bansa.
Gayunman iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat si UN Special Rapporteur Agnes Callamard ang mangunguna sa imbestigasyon.
Ayon kay Roque, wala nang kredibilidad si Callamard at hindi na rin ito mapagkakatiwalaan.
Dagdag ni Roque, bilang Presidential Adviser on Human Rights meron na siyang nakatakdang ireskomendang UN Rapporteurs na maaaring magsagawa ng imbestigasyon.
“If they are going to send a special rapporteur to the Philippines it must someone credible, someone who is an authority in the field that they seek to investigate in and must be objective and unbiased. I’m about to make a recommendation as a Presidential Adviser on the Human Rights at least one Rapporteur that I will recommend be allowed the conduct the investigation but I cannot divulge for now who the rapporteur is”.
RPE