Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission On Audit (COA) na silipin ang mga natatanggap na donasyon ng Philippine Red Cross o PRC, partikular ang mga nagmumula sa gobyerno.
Sa kanyang Talk To The People, inakusahan ni pangulong duterte si senador richard gordon na nagang PRC bilang Chairman nito, upang makakupit sa kanya Priority Development Assistance Fund.
Ayon kay Pangulong Duterte, itinago ni Gordon ang PDAF nito sa pondo ng red cross upang makaiwas sa auditing ng COA.
When I ask the Department of the Philippine Red Cross by COA it is with legal basis and the constitution of the Republic of Act 10072 of the Philippine Red Cross Act of 2009. Alam mo kailangan ko ipa-imbestiga ang red cross for a most of reasons, pero ang una ko niyan ay pera. Pero ang sabi ko nga I want to know if yung PDAF mo, ibinigay mo doon sa red cross. ” wika ng Pangulong Duterte.
Samantala, hinihingi rin ng punong ehekutibo kay Gordon ang annual audit report ng PRC alinsunod sa Republic Act 10072.
This is the same law that requires the PRC to submit to the Office of the President of the Philippines it is the annual financial report. Wala ka ngang ibinigay, you know its a the constitution itself. It requires bidding for every centavo that goe’s for every capitals for the purpose of charity…kaya lang all these years na hinawakan mo, you squat on it and destroyed everything , including its credibility,” pahayag ng Pangulong Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino