Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Department Of Health (DOH) ang paggamit ng hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19 na pinangunahan ng Presidential Security Group (PSG) habang mino-monitor din ang posibleng side effects sa mga naturukan nito.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaalam pa rin ng Food and Drug Administration (FDA) kung sinu-sino ang mga nabakunahan upang makagawa agad sila ng assessment ukol dito.
Matatandaang inamin ng PSG na nakakuha sila ng bakuna laban sa coronavirus noon pang Setyembre ng nakaraang taon.