Sinimulan na ng Department of Justice o DOJ ang imbestigasyon sa Close Up Forever Summer Party kung saan lima ang namatay.
Sa preliminary investigation hearing, isinumite ng limang testigong bouncer ang kanilang affidavit kay Associate Prosecution Attorney Anna Noreen Devanadera.
Nasa pagdinig din ang mga magulang ng dalawang biktima.
Matatandaang limang tao na dumalo sa nasabing open-air concert ang namatay.
Batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI, 13 tao ang napag-alaman nilang may pananagutan sa pagkamatay ng mga biktima dahil sa iligal na droga.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo