Labis na ikinatuwa ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging desisyon ng ICC o International Criminal Court na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kaugnay sa kasong crimes against humanity na isinampa nila Trillanes at Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Duterte kaugnay ng mga umano’y human rights violations sa ilalim ng war on drugs.
Ayon kay Trillanes, tiyak na mayayanig ang Pangulo sa pasya na ito ng ICC kung saan, matatauhan umano at mapagtatanto ng Pangulo na hindi kailanman siya nakahihigit sa batas.
Giit ng Senador, panimulang hakbang pa lamang aniya ang pasya na ito ng ICC para sa inaasam na hustisya ng pamilya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao partikular na ang Extra-Judicial Killings.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio