Hinahanapan ngayon ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan ng ebidensya ang Duterte administration kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa hinggil sa mga nangyaring pagpatay sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito’y matapos ihirit ng gobyerno ang pagpapaliban sa imbestigasyon ng ICC laban sa Crime Against Humanity ng War on Drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Batay sa inilabas na pahayag ng ICC, limang araw matapos dinggin ang deferral request ng bansa, binigyang diin ng ICC na kinakailangang maglabas ng mga ebidensya o impormasyon ang administrasyon na susuporta sa hirit nito alinsunod na rin sa rule 53 ng ICC Rules of Procedure and Evidence.
Magugunitang sumulat si Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay ICC Prosecutor Karim Khan na humihiling na itigil na ang imbestigasyon.