Pansamantalang sinuspinde ng International Criminal Court Prosecution (ICC) ang imbestigasyon sa war on drugs ng Pilipinas.
Alinsunod sa anim na pahinang request, inihayag ni Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay ICC Prosecutor Karim Khan na nananatiling buhay at gumagana pa naman ang Judicial System ng Pilipinas.
Ayon kay Malaya, masusing tinututkan at iniimbestigahan ng mga korte sa Pilipinas ang anti-illegal drugs operations sa bansa.
Bukod pa anya ito sa pagrepaso ng Department of Justice sa 52 drug cases kung saan napag-alamang may administrative liability sa bahagi ng mga pulis. —sa panulat ni Drew Nacino