Inapela ng mga mambabatas sa mga resource speaker ang kahandaan nito sa gaganaping imbestigasyon sa Huwebes para sa hindi otorisadong planong importasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.
Ang pahayag ay kasunod ng naganap na briefing ng House Committee on Good Governance and Public Accountability katuwang ang House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa nasabing isyu ng ilegal na resolusyon ng sra dahil sa anila’y numinipis na suplay ng asukal sa bansa at pagtaas ng presyo nito kung saan hindi ito alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito, inapela ng mga mambabatas na magkaroon ng hard copy at soft copy ng position paper ang mga resource speaker kung saan nakasaad ang inventory ng asukal sa bansa, pangalan ng mga sugar cartel at hoarders, traders na nagtutulak ng importasyon ng asukal at kung saan napunta o ano ang sitwasyon ng dalawandaang libong metriko toneladang nauna nang na-import.
Gayondin inaanyayahan din sa gagawing pagdinig sa Huwebes ang pagdalo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Nestle bilang isa sa pinaka malaking consumer ng asukal sa bansa. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)