Gugulong na bukas, Hunyo 16, ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa alegasyong pangingikil ng ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na ang salapi ay ginamit umano para suhulan ang mga kongresistang pumabor sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, pinuno ng Independent Bloc sa kongreso, ang nasabing pagdinig ay pamumunuan ng House Committee on Good Government.
Ipinabatid ni Romualdez na imbitado sa pagdinig ang Chinese fugitive na si Wang Bo.
Kinakailangan aniya ang testimonya ni Wang upang malaman kung totoo ang sinasabing tumanggap diumano ang Liberal Party ng P400-million bribe.
By Meann Tanbio