Kasado na ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government sa paggamit at distribusyon ng social amelioration fund (SAP).
Ayon kay Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado, chairman ng komite, nais nilang malaman kung bakit napakabagal at tila napaka-masalimuot ang ginawang pamamahagi ng Department Sociadswd sa SAP.
Sinabi ni Alvarado na bago ipinatupad ang SAP ay mayroon nang kasunduan ang Senado, kamara at ang dswd kung anong paraan ang gagawin para sa pamamahagi ng sap subalit hindi anya ito nasunod.
Tinukoy ni Sy-Alvarado ang kasunduan na dapat ay pupuntahan sa kanilang bahay ang mga beneficiaries at hindi papipilahin na tulad ng nangyari.
Maliban sa SAP, kasama rin sa iimbestigahan ng Kamara ang di umanoy pangongotong ng ilang opisyal sa mga sap beneficiaries at pamamahagi ng mga mabahong bigas at spoiled goods.