Sumulat na ang National Privacy Commission o NPC kay Facebook Founder Mark Zuckerberg para humingi ng mga dokumento kaugnay ng nangyaring pagpasok ng Cambridge Analytica sa kanilang data system.
Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, nais nilang malaman kung may hindi awtorisadong tao na gumamit ng personal data ng mga Pilipino at iba pang posibleng paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas.
Ginawa ni Liboro ang pahayag kasunod ng pagsisimula ng imbestigasyon ng Privacy Commission sa naturang kontrobersiya kung saan, mahigit isang milyong mga Pilipino ang nanakawan ng datos mula sa Facebook.
Nakatutok ang imbestigasyon ayon kay Liboro sa kung nai-share o naibahagi ng Facebook sa third party ang mga personal na datos ng mga Pinoy users ng Facebook para magamit sa anomalya.
—-