Pinasusumite ng Department of Justice o DOJ sa National Bureau of Investigation o NBI at Public Attorneys Office o PAO ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng dengvaxia.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inaasahan niya ang report ng PAO at NBI ngayong linggong ito.
Kasabay nito, nilinaw ni Aguirre na fact finding ang isinagawang imbestigasyon ng NBI at PAO na ibinase lamang sa resulta ng autopsy.
Dahil dito, inihayag ni Aguirre na hindi na niya pahihintulutan ang PAO na magsagawa ng autopsy sa katawan ng mga batang nasawi.
—-