Target ng NBI o National Bureau of Investigation na tapusin sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni COMELEC Chairman Andres Bautista na isiniwalat ng kanyang asawa.
Sisiyasatin ng NBI sa tulong ng Anti-Money Laundering Council at Land Registration Authority ang mga bank account at titulong hawak ni Patricia Bautista.
Aalamin nila kung talagang sa COMELEC Chairman nga ang sinasabing isang bilyong pisong halaga ng pera at ari-arian.
Binigyang diin naman Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kahit may legal immunity si Bautista bilang COMELEC Chairman, maaari pa rin siyang imbestigahan at makasuhan pagkatapos ng kanyang termino.
Bukod sa ill-gotten wealth, sesentro din ang imbestigasyon sa mga naging transaksyon umano ng chairman at ng Divina Law Firm.
By Arianne Palma