Iginiit ng Malacañang ang immunity from suit ni Pangulong Benigno Aquino III habang siya pa rin ang naka-upong Punong Ehekutibo ng bansa.
Sagot ito ng Palasyo kasunod ng pag-iimbestiga sa kaniya ng Ombudsman gayundin kay Budget Secretaty Florencio Butch Abad dahl sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, kinikilala nila ang mandato ng Ombudsman na mag-imbestiga pero hindi nito maaaring kasuhan ang isang nakaupong Pangulo.
Kasunod nito, tumanggi namang magkomento si Secretary Abad hanggat hindi nababasa ang transcript ng hearing sa Kamara kung saan sinabi ni Morales na iniimbestigahan na sila ng Pangulo.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)