Pinabibilisan ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy ang imbestigasyon ng Malakanyang kay Chairman Jose Vicente Salazar ng Energy Regulatory Commission o ERC.
Ayon kay gatchalian, dapat samantalahin ang syamnapung (90) araw na suspension kay Salazar upang mabilis na maisagawa ang imbestigasyon.
Si Salazar ay sinuspindi ng Malakanyang bunga ng kanyang mga kinakaharap na kasong administratibo tulad ng dishonesty at grave misconduct.
By Len Aguirre