Umarangkada na ang Moto Propio Investigation ng PNP-Internal Affairs Service sa 16 na pulis na nanloob umano sa isang pribadong bahay sa Caloocan City.
Ayon kay PNP-IAS Inspector-General, Atty. Alfegar Triambulo, aalamin nila kung lehitimo ang inilunsad na operasyon ng mga nasabing miyembro ng Caloocan City Police.
Gayunman, kaliwa’t kanang paglabag na anya ang kanyang napuna batay sa kuha ng C.C.T.V.
Kabilang na rito ang hindi pagpresenta ng search warrant sa may-ari ng bahay, hindi pagsusuot ng uniporme at ang pagbibitbit ng menor de edad sa operasyon.
Inihayag ni Triambulo na posibleng maharap sa kasong grave misconduct at serious irregularity in the performance of duty ang mga sangkot na pulis at madamay sa kasong administratibo ang team leader at kanilang commander.
SMW: RPE