Pinaiimbestigahan na ng Philippine National Police sa Anti-Cybercrime Group ang ilang social media pages na umano’y nag-aalok ng passport appointments na may kapalit na processing fee.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang hakbang ay ginawa nila matapos humingi ng tulong ang Department of Foreign Affairs sa PNP at National Bureau of Investigation hinggil sa nasabing scam.
Matatandaang inihirit din ng DFA sa pamunuan ng Facebook na tanggalin sa kanilang platform ang ilang accounts upang hindi na makapambiktima ang mga ito.
Nilinaw din ng ahensya na libre ang appointment slots para sa pagkuha ng pasaporte at iba pang consular services.