Iginiit ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald Dela Rosa na panggigipit lamang sa mga Duterte ang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara.
Kasunod ito ng pahayag ni House Quadcomm Vice Chairman at Antipolo Representative Romeo Acop na si dating pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng mga sindikato kabilang na ang iligal na droga.
Binigyang-diin ni Senador Dela Rosa na hindi ‘in aid of legislation’ ang imbestigasyon kundi ‘in aid of persecution.’
Ipinunto rin ng Senador na sumakay na si Congressman Acop sa oposisyon kaya’t hindi lamang siya dismayado kundi galit sa kongresista.