Tinapos na ang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa mga panibagong anomalya sa PhilHealth matapos ang tatlong pagdinig.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, handa na siyang gumawa ng committee report kung saan iapapaloob ang kanilang mga magiging rekomendasyon para matiyak na matitigil na at hindi na mauulit ang katiwalian sa PhilHealth.
I am ready to draft and formulate a comm report with recommendations,” ani Sotto.
Samantala, pabor din si Senador Panfilo Lacson na tapusin na ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyang bumabalot sa ahensya.
Ayon kay Lacson, sapat na ang kanilang nakalap na mga ebidensya para masampahan ng kaso ang mga responsable o sangkot sa systematic corrupt practices sa PhilHealth dahilan para humantong ngayon sa financial death bed ang kalagayang pinansyal ng ahensya.
Dagdag pa ni Lacson, ang mga ebidensyang nasa kamay nila ay suportado ng mga opisyal na dokumento at testimonya mula sa mga humarap na resource person na tumestigo sa ilalim ng panunumpa. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
Sotto umaasang may magsasalita na sa PhilHealth execom members
Umaasa si Senate President Vicente Sotto III na mayroon nang magsasalita sa mga miyembro ng executive committee ng PhilHealth.
Ito’y matapos aniyang mistulang ilaglag ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig kahapon ang executive committee nang aminin nito na hindi tama ang pagbibigay ng PhilHealth ng cash advance sa ilalim ng interim reimbursement mechanism (IRM) sa mga dialysis center at maternity clinic.
Ayon kay Sotto, posibleng mag-udyok ito para kumanta na ang may nalalaman sa hanay ng executive committee.
Una rito, lumitaw sa pagsisiyasat ng tanggapan ni Senador Panfilo Lacson na umabot na sa mahigit P226-milyon ang naipalabas na pondo para sa dialysis center sa ilalim ng IRM habang higit P4-milyon sa maternity clinic. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol