Umusad na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Economic Affairs sa panukalang paglikha ng Benham Rise Development Authority.
Pinag-usapan sa hearing kung may kakayahan ang Pilipinas na protektahan ang Benham Rise sa harap ng napaulat na maritime activity doon ng China.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng komite, pinag-aaralan rin nilang gawing miyembro ng lilikhaing Benham Rise Development Authority ang Philippine Coastguard at Department of National Defense.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno