Sinimulan na ang imbestigasyon ng senado kaugnay sa naranasang malawakang pagbaha sa Luzon matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.
Ayon kay Senate Committee on Public Works and Highways Chairman Sen. Manny Pacquiao, layon ng imbestigasyon na ito na alamin kung ano ang nangyari sa mga napag-usapan na nila noon sa mga dapat gawin para wag nang maulit ang malawakang pagbaha.
Samantala, nagpaliwanag si Pacquiao hinggil sa pagkaantala ng imbestigasyon ng isang oras.
Sinabi ng senador na orihinal na naka-skedyul ang pagdinig ng alas-9 ng umaga ngunit naglaan aniya talaga ng isang oras para sa ipinatutupad na health protocol tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test sa mga dadalo, physically, sa nasabing pagdinig sa senado. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)