Hiniling ng isang Muslim group sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa halos limang buwan nang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Agakhan Shariff, pinuno ng Dansalantao sa Kalilintan Movement ng Marawi, kailangang matukoy kung sino ang may pagkukulang at nagawang malusob at makubkob ng ISIS-Maute group ang lungsod.
Bukod dito, kinuwestyon din ni Shariff kung saan ginagamit ang intelligence fund ng gobyerno at tila sablay pa rin aniya sila sa pag-monitor ng galaw ng mga terorista sa Mindanao.
Umaasa rin si Shariff na sa lalung madaling panahon ay makabalik na sila sa Marawi City lalo na sa mga barangay na hindi naman nasira ng digmaan.
—-