Itinakda na ng senado sa Pebrero 21 ang imbestigasyon ng tumataas na bilang ng mga pang aabuso sa OFWs partikular sa Middle East.
Kasunod na rin ito ng inihaing resolusyon nina Senador Manny Pacquiao at Nancy Binay para imbestigahan ang pagkamatay ng mga OFW partikular ni Joanna Demafelis na natagpuan sa isang freezer sa Kuwait.
Bahagi ng pina-iimbestigahan nina Pacquiao at Binay ang polisiya at programa ng gobyerno laban sa mga pang aabuso sa mga OFW.
Iginiit ng mga senador na kailangang paigtingin ng gobyerno ang mga hakbangin para ma protektahan ang karapatan at interes ng OFWs.