Sisimulan na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pag-iimbestiga sa naganap na pagpaslang kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil sa posibilidad na isa itong kaso ng extrajudicial killing.
Ayon kay Senate Committee Chair Panfilo Lacson, gusto niyang malaman kung may administrative liability ang judge na nag-isyu ng search warrant para halughugin ang selda ni Espinosa sa Leyte Provincial Jail na humantong sa pagkakapaslang nito.
Dagdag pa ni Lacson, mayroon na siyang tinanong na ilang kaibigan sa Korte Suprema hinggil dito pero wala pa siyang natatanggap na tugon.
Ikinatuwa ni Lacson na ipinag-utos na ng Korte Suprema ang pag-iimbestiga kay Basey Samar RTC Judge Tarcelo Sabarre Jr. na sinasabing nag-isyu ng nasabing search warrant.
By: Avee Devierte / Cely Bueno