Dapat na agarang itakda ang imbestigasyon ng kinauukulang Senate Committee sa sinasabing iregularidad at pag-manipula sa resulta noong 2016 elections.
Ito, ayon kay Senate President Koko Pimentel, ay para makita kung depektibo ang automated system ng SMARTMATIC at sa ganitong paraan ay magkaroon ng panahon na repasuhin ang pagbili ng COMELEC sa Vote Counting Machine (VCM).
“The hearing must, marinig mo yung observation, marinig mo yung explanation, kung katangap tangap, kung makita mong defective o efficient yung system pwede pa siguro nilang ireview iyan, to the review of the purchase so dapat madecide ng COMELEC yan because we would have look for a new provider.” Bahagi ng pahayag ni Sen. Pres. Koko Pimentel
Inihayag naman ni Senate Majority Floorleader Tito Sotto na hangad niya na sa susunod na linggo ay masimulan ang pagdinig ng Senado sa naturang issue at handa anyang humarap ang mga testigo kung kinakailangan.
Gayunman, nilinaw ni Sotto na tanging sa executive session haharap ang kanyang source para sa proteksyon nito.
-Cely Ortega-Bueno