Inaasahang gugulong na ang imbestigasyon nang binuong special team ng Department of Justice (DOJ) para tutukan ang pagkamatay ng siyam na aktibista sa CALABARZON area.
Ipinabatid ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kaagad nilang binuo ang special investigating team matapos i-refer ng DOJ ang imbestigasyon sa pagkamatay ng siyam katao sa Administrative Order 35.
Ang AO 35 ay isang inter-agency committee na naatasang mag-imbestiga para sa extra-legal killings, enforced disappearances, torture at iba pang grave violations na may kaugnayan sa right of life, liberty at seguridad ng isang tao.
Kasabay nito, nanawagan si Guevarra sa publiko lalo na sa mga nakasaksi sa krimen na kaagad makipag-ugnayan sa DOJ para sa imbestigasyon ng special team.