Tinapos na ng Special Inter-Agency Investigation Task Group ang pagsisiyasat nito sa issue ng sinasabing pekeng bigas sa Davao City.
Ayon kay Sr. Supt. Aaron Aquino, Hepe ng Task Group at Deputy Director for Operations ng Police Regional Office-11, wala silang nakitang synthetic rice sa isinagawang random inspection sa mga retailer at warehouse sa lungsod.
Posible aniyang resulta lamang ng mishandling ang natuklasan umanong pekeng bigas na isinilid sa plastic bag at inilagay sa refrigerator ng dalawang araw bago isinaing at kinain.
Samantala, inihayag ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Kiko Pangilinan na walang ebidensya na peke o kontaminado ang bigas sa Davao na itinuturing na isang isolated case.
By Drew Nacino