Ilulunsad na ng Bureau of Customs ang imbestigasyon hinggil sa 125 Million Pesos na halaga ng smuggled rice na nakumpiska ng Philippine Coast Guard mula sa isang cargo vessel sa Zamboanga Sibugay.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, itinurn-over na sa kanila ng P.C.G. Southwestern Mindanao ang mga nasamsam na puslit na bigas.
Aalamin anya nila kung saan tunay na port of origin ng kontrabando, kung sino ang consignee nito at kung para ito sa public consumption.
Enero a-syete nang makumpiska ang animnapung libong, undocumented na sako ng bigas mula sa MV J-Phia malapit sa bayan ng Olutanga, Zamboanga Sibugay.