Isinusulong ni Anakalusugan party list representative Mike Defensor ang findings ng COA hinggil sa halos 19-B pesos na halaga ng mga gamot na hindi naipamahagi ng DOH noong 2018.
Kasunod na rin ito nang inihaing resolusyon ni Defensor para imbestigahan ang aniya’y unusually huge hoard ng mga gamot na hindi naipamahagi ng DOH.
Sinabi ni Defensor na tungkulin ng mga opisyal ng gobyerno na tiyaking napapakinabangan ng publiko ang mga supply at hindi nasasayang lamang.
Hindi aniya katanggap tanggap ang kapabayaan ng DOH para pangasiwaan ang kanilang inventories sa mga gamot lalo’t maraming mahihirap na Pilipino ang higit na nangangailangan ng gamot.