Nanawagan na ang Department of Agriculture sa Department Of Justice na paspasan na ang imbestigasyon sa smuggling ng agricultural products upang maiwasan na ang mga kahalintulad na aktibidad.
Sa laging handa public briefing, inihayag ni agriculture undersecretary Fermin Adriano na pina-follow-up na nila sa DOJ ang imbestigasyon sa mga indibidwal na sangkot umano sa pagpupuslit ng gulay sa bansa.
Binigyang-diin ni Adriano na lubhang malaki ang epekto ng smuggling sa magsasaka, na ang mga produkto ang pawang biktima sa hindi patas na kompetisyon.
Wala naman anyang kapangyarihan ang DA na manghuli at mag-prosecute ng mga sangkot sa naturang ilegal na aktibidad kaya’t dapat paigtingin na ng DOJ ang imbestigasyon nito.
Samantala, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon sa hanay mismo ng DA upang mabatid ang mga indibidwal na sangkot sa pagpupuslit ng agricultural products.