Itinutulak ng isang kongresista ang imbestigasyon kaugnay ng integration ng 550 pesos na airport terminal fee sa airline tickets ng mga international passengers, kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang hakbang ay inanunsiyo ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz III matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court ang isang petisyon na kumukuwestiyon sa international passenger service charge o IPSC integration.
Giit ni Bertiz, mula nang ipatupad ang nasabing integration ay wala pa ring maayos na computer system ang Manila International Airport Authority (MIAA).
Nais din ng mambabatas na magkaroon ng agarang pagsasagawa ng audit kung magkano na ang nakolektang pondo mula noong unang araw ng implementasyon nito.
By Jelbert Perdez