Ipagpapatuloy ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pag-iimbestiga sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ito ay matapos ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay BuCor Chief Nicanor Faeldon.
Ayon kay PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna, lahat ng mga naging pinuno ng BuCor mula taong 2014 hanggang sa kasalukuyan ay kasama sa imbestigasyon.
Kasama rin ang lahat ng subordinates at tauhan ng mga nasibak na mga opisyal ng naturang ahensya.
Paglilinaw ni Luna, hindi kasama sa iimbestigahan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nagsilbing pinuno ng ahensya noong nakaraang taon.
Matatandaang sinibak si Faeldon bilang pinuno ng BuCor dahil sa isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).