Pinalakas pa ng chemical weapons watchdog na OPCW o Organization for the Prohibition of Chemical Weapons ang imbestigasyon nito sa umano’y chemical attack sa Syria na pumatay sa halos 90 katao.
Ipinabatid ng Turkish health officials na lumabas sa resulta ng post mortem sa mga biktima na nasawi ang mga ito dahil sa posibleng exposure sa ipinagbabawal na nerve agent na Sarin.
Sinabi ng OPCW na nakipag-ugnayan na sila sa mga otoridad sa Syria at may hawak na ring impormasyon sa nasabing pag-atake sa Khan Sheikhun.
Nanawagan pa ang OPCW sa mga estadong lumagda sa Chemical Weapons Convention na magbahagi ng mga impormasyon na maaaring may kinalaman sa mga alegasyon nang paggamit ng chemical weapon sa pag-atake sa Syria sa probinsya ng Idlib.
By Judith Larino