Pansamantalang inilipat sa Provincial Personnel Holding and Admit Unit ang dalawang pulis na nagpunit ng balota noong May 9 elections.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakilala na ng ahensya ang mga indibidwal.
Dagdag pa ni Fajardo na naaayon sa utos ng Commission on Elections (COMELEC) ang aksyon ng dalawang pulis na nagsilbi bilang Special Electoral Board of Inspectors noong Mayo a-nueve.