Hindi pa nangangalahati ang Philippine National Police sa imbestigasyon sa pambobomba sa Davao city noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, nasa 45 percent pa lang sila sa imbestigasyon dahil wala pa silang pangalan ng mga suspek, bagay na nagpapahirap sa paghanap ng mga sangkot sa Davao bombing.
Inamin din ni Dela Rosa na nahihirapan sila sa artist sketch ng mga babaeng sinasabing suspek dahil nakasuot ang mga ito ng Hijab o kasuotan ng mga babaeng muslim na mata lamang ang kita noong mangyari ang insidente.
Muling binigyang-diin ni Dela Rosa na ang bombang ginamit sa Davao city ay signature ng mga terror group sa central Mindanao .
Ito ang mga grupo na maiuugnay sa mga napatay na sina Zulkipli Bin Hir alias Marwan at Abdul Basit Usman at ang nagtatagong si Abdul Manap Bintang na gumagawa ng bomb for sale sa Central Mindanao.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 31) Jonathan Andal