Walang balak si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipatigil ang ginagawang case build up ng National Bureau of Investigation o NBI laban sa pagkakasangkot ng oposisyon sa destabilization plot sa Duterte administration.
Ito ay sa kabila ng panawagan ng Liberal Party na itigil na ni Aguirre ang ginagawa nitong political harassment sa mga miyembro nito.
Ayon kay Aguirre, hindi niya babawiin ang naturang kautusan sa NBI dahil bahagi aniya ng mandato ng nito na imbestigahan ang mga alegasyon na may kinalaman sa kasong kriminal.
Una nang binanggit ni Aguirre na nakipagpulong at nagtungo sa Marawi City sina Senador Antonio Trillanes, Senador Bam Aquino at iba pa bilang bahagi umano ng destablisasyon laban sa gobyerno.
Kinalaunan ay huminge ng paumanhin si Aguirre kay Aquino sa matapos na lumutang na fake news lamang ang pinagbasehan ng Kalihim sa kanyang naging pahayag.
By Rianne Briones
Imbestigasyon sa ‘destab plot’ magpapatuloy—Aguirre was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882