Posibleng tapusin na ngayong buwan ng Department Of Justice ang imbestigasyon sa pamamaril ng mga pulis sa mga sundalo sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 4 na sundalo.
Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon ang nasabing kaso ay inaasahang submitted for resolution na ngayong buwan.
Ipinabatid ni Fadullon na nakapagsumite na noong isang linggo ng kanilang counter affidavits ang mga police officers na akusado sa pagpatay sa mga sundalo at pagtatanim ng mga ebidensya.
Uubra pa naman aniyang maghain ng tugon ang NBI sa rejoinder naman sa mga police officers bago ideklarang submitted for resolution na ito.
Hulyo nang magsampa ang NBI ng reklamong 4 na bilang ng kasong pagpatay at isang bilang ng kasong planting of evidence laban sa 9 na police officers dahil sa pagpatay ng mga ito sa 4 na sundalo.
Tinutugis noon ng mga sundalo ang umano’y suicide bombers nuong June 29 nang pagbabarilin ng mga pulis sa Barangay Walled City.