Inihirit ng ilang kongresista ang imbestigasyon kaugnay sa pagpapahintulot ng Department of Agriculture na mag-import ng 60,000 metric tons ng isda.
Inihain ng Makabayan Bloc ang Resolution 2467 na layuning siyasatin ang administrative order ng D.A. Na nag-apruba sa importasyon ng pelagic fish, tulad ng galunggong o “G.G”.
Nais ng makabayan sa pangunguna ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, na mabatid ang epekto ng nasabing polisiya, partikular sa local fishing industry.
Inihalimbawa ni Zarate ang pagtutol ng kilusang magbubukid ng Pilipinas, na nanawagan sa gobyerno na magpatupad ng mga hakbang upang mapalakas ang produksyon sa halip na mag-angkat ng galunggong.