Iniimbestigahan na ng Department of Education (DEPED) ang hinihinalang food-borne disease na umano’y dulot ng kontaminadong gatas na ipinamahagi sa mga paaralan sa negros oriental sa ilalim ng School-Based Feeding Program (SBFP).
Ayon sa DEPED, nakikipag-ugnayan na ang kanilang kagawaran sa Local Government Unit (LGU) sa Sta. Catalina sa nasabing lalawigan gayundin nsa National Dairy Authority at concerned agencies para sa imbestigasyon at analysis ng milk samples.
Nabatid na nasa 100 mag-aaral sa naturang lugar ang na-ospital makalipas ang ilang oras matapos uminom ng fresh milk na ipinamigay ng DEPED.