Umusad na ang imbestigasyon sa pag-overshoot ng Cebu Pacific sa Iloilo airport na naging dahilan para maparalisa ang operasyon ng airport mula noong Biyernes.
Ayon kay Eric Apolonio, Spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, nakatakda nilang ipadala sa Singapore ang flight data recorder ng eroplano upang maanalisa ang naging dahilan ng paglampas nito sa runway na naging dahilan para mabalaho ang gulong ng eroplano sa putikan.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Apolonio dahil sa mabagal na pagtanggal nila sa nabalahong eroplano.
Maliban sa dahan-dahan aniya ang ginagawa nilang paglipat upang hindi masira ang runway, nakakapagpabagal rin ang masamang panahon.
“Computerized po yan, guided ng computers lahat ng pagbaba at pagpanhik ng eroplano, kaya lang po posible rin ang weather factor, dahil malakas ang ulan during that time, ginugusto ng mga piloto, touch down and take off sila mismo ang nandun sa steering, at least kontrolado nila.” Pahayag ni Apolonio
(Ratsada Balita Interview)
Photo Credit: MIAA / via Raoul Esperas