Ipinauubaya na ng Department Of Interior And Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa ‘di umano’y mass gathering na isinagawa ng PNP NCRPO para sa birthday ni Major General Debold Sinas.
Gayunman, pinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga pulis at government officials na magkaruon ng delikadeza at maging ehemplo sa lahat.
Ayon kay Año, hindi dapat nangyari at walang dapat na mangyaring selebrasyon kahit dinner lamang sa panahon ng quarantine.
Hindi naman inaalis ni Año ang posibilidad na hindi alam ni General Sinas na nag-organisa ng sorpresa para sa kanya ang kanyang mga tauhan.