Hinimok ng ilang Senador ang National Bureau of Investigation (NBI) na ipagpatuloy ang masusing imbestigasyon sa alegasyon ng kurapsyon sa PhilHealth.
Ito ay sa kabila nang pagpirma na umano sa bank secrecy waiver ng ilang matataas na opisyal ng ahensiya.
Ayon kay Senador Richard Gordon, nakatitiyak siyang lalabas ang katotohanan kahit pa wala o mayroon mang tinatago ang mga opisyal ng PhilHealth.
Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na magandang senyales ang paglagda ng ilang mga opisyal ng PhilHealth sa waiver pero hindi aniya ito nangangahulugang absuwelto na sila sa isyu ng kurapsyon.