Ipinauubaya na ni Senate President Koko Pimentel sa kinauukulang komite sa senado ang pagpapasya kung magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon laban kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista.
Ayon kay Pimentel, hindi kinakailangang manghimasok ng buong senado dahil iisang komite lamang ang titingin dito.
Samantala, sinabi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na kanya munang kakausapin si Senator Tito Sotto kaugnay hinggil sa kahilingan nitong magsagawa ng imbestigasyon ang senado.
Ayon kay Gordon, mahalagang mabusisi muna nila ito at mapag-aralan dahil isang constitutional official si Chairman Bautista.
Una nang naghain ng resolusyon si Sotto na humihiling na imbestigahan ng senado ang alegasyon ukol sa bilyong pisong tagong yaman ni Bautista.