Ipauubaya na ng Department Of Health o DOH at Food and Drug Administration (FDA) sa Professional Regulation Commission o PRC ang imbestigasyon sa Ivermectin.
Ito’y matapos may naiulat na nagbigay ng maling reseta ng Ivermectin drugs sa publiko.
Ayon sa dalawang ahensiya, paiimbestigahan ang mga doktor na nagsagawa ng prescription sa ilang residente ng Quezon City kung saan nakakuha ng naturang gamot.
Mahigpit ang naging bilin ng DOH at FDA na hindi pa inirerekomenda ang mga nasabing gamot laban COVID-19 dahil walang pang sapat na pag-aaral tungkol rito.— sa panulat ni Rashid Locsin