Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sinasabing anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pangungunahan ni Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President ang nabanggit na imbestigasyon.
Partikular aniyang tututukan sa pagsisiyasat ang alegasyon ni dating PhilHealth Anti-Fraud Legal Officer Thorrsson Keith kaugnay ng malawakan anitong kurapsyon sa ahensiya.
Dagdag ni Roque, personal siyang nakatanggap ng kopya ng resignation letter ni Keith at binigyang diin na itinuturing nilang isang seryosong usapin ang mga isiniwalat nito.
Kabilang aiya sa mga binanggit alegasyon ni Keith ay ang umano’y biniling overpriced na IT system ng PhilHealth at kuwestiyonableng alokasyon ng pondo para sa reimbursement ng ilang accredited na ospital buong bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.