Kasado na sa Martes, August 4 ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga umanoy katiwalian sa PhilHealth.
Ayon sa Senado Committee of the Whole ang mag iimbestiga sa nasabing usapin ..batay na rin sa resolusyong inihain Nina Senador Leila De Lima, Francis Pangilinan, Panfilo Lacson at Senate President Vicente Tito Sotto the third.
Tututukan din sa imbestigasyon ang hindi nababayarang insurance claims ng accredited hospitals.
Aalamin din sa imbestigasyon ng Senado kung mayruon pang sapat na pondo ang PhilHealth para sa mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) lalo nat patuloy ang pagsirit ng kumpirmadong kaso ng nasabing virus.
Ayon kay Lacson hindi nawala ang sindikato sa PhilHealth at tila expert na ang mga ito sa influence peddling dahil malinaw na may impluwensya sila sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.
Nakakakulo aniya ng dugo na nagagawa pa rin ng PhilHealth mafia na kontrolin ang kakarampot na pondo ng ahensya.