Suportado ng Malakanyang ang plano ng Kongreso na imbestigahan ang mabagal na internet connectivity ng mga telecoms company sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na maging siya ay napansing napakabagal ng internet connection kayat marapat na tinitingnan din ito ng National Telecommunications Comission.
Sinabi ng kalihim na dapat mabatid kung sulit ba ang ibinabayad ng mga internet subscribers sa serbisyong ibinibigay ng telcos.
Nagrereklamo ang mga karamihan sa mga subscribers dahil sa “fair use policy” ng mga telcos at nililimitahan umano ang connection ng mga gumagamit ng internet.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)